Nagpasalamat at Commission on Elections (COMELEC) sa lahat ng mga nakatuwang nilang mga ahensya ng pamahalaan upang maisakatuparan ang matagumpay na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Sa isinagawang pulong balitaan, sinabi ni acting COMELEC Chairman Al Parreño na kaya naging mataas ang success rate ng naganap na halalan ay dahil naging malaki ang tulong ng mga ahensya ng gobyerno, maging ang pagtitiyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa kaligtasan ng publiko.
Kung ikukumpara aniya ang datos ngayong taon sa 2010 at 2013 elections, di hamak na mas mataas ang bilang ng mga karahasan.
Sa ngayon, batay sa hawak na datos ng COMELEC, ay isa lamang ang sinasabing naganap na karahasan sa mismong araw ng halalan. Ngunit dagdag ni Parreño patuloy nilang inaalam kung mayroon pang ibang mga naganap na election-related violence.
Aniya pa, sa naganap na halalan ay naprotektahan ang demokrasya ng bansa.