Pero 13 pa lang sa mga kaso ng pagpatay ang nakumpirma ng PNP na may kinalaman sa halalan.
Sa kabila nito ay sinabi ng pulisya na “relatively peaceful” ang naganap na Bgy. at SK elections.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, hanggang Lunes ng tanghali ay naitala nila ang 47 election related incidents, 7 dito ang kumpirmadong may kaugnayan sa karahasan sa eleksyon habang 40 na kaso ang bineberipika pa.
Sa 7 validated incidents, 13 katao ang napatay habang 22 iba pa ang nasugatan sa 40 na insidente.
Nasa 27 ang nasugatan sa 47 na kaso, karamihan ay mga insidente ng pamamaril.
Pero sinabi ni Bulalacao na isolated ang naturang mga insidente at maituturing pa rin na payapa ang Bgy. at SK elections.