13 sa 35 na naitalang patay, kumpirmadong may kaugnayan sa Barangay at SK elections
Naitala ng Philippine National Police (PNP) ang 35 na kataong namatay at 27 na kataong nasugatan hanggang sa pagtatapos ng Barangay at Sanggunian Kabataan elections.
Pero 13 pa lang sa mga kaso ng pagpatay ang nakumpirma ng PNP na may kinalaman sa halalan.
Sa kabila nito ay sinabi ng pulisya na “relatively peaceful” ang naganap na Bgy. at SK elections.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, hanggang Lunes ng tanghali ay naitala nila ang 47 election related incidents, 7 dito ang kumpirmadong may kaugnayan sa karahasan sa eleksyon habang 40 na kaso ang bineberipika pa.
Sa 7 validated incidents, 13 katao ang napatay habang 22 iba pa ang nasugatan sa 40 na insidente.
Nasa 27 ang nasugatan sa 47 na kaso, karamihan ay mga insidente ng pamamaril.
Pero sinabi ni Bulalacao na isolated ang naturang mga insidente at maituturing pa rin na payapa ang Bgy. at SK elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.