Mga nais na maging pangulo ng bansa, 44 na

3rd dayUmabot na sa 44 ang mga kandidatong pagkapangulo ang nagsumite ng kanilang certificate of candidacy sa Commission on Elecitons.

Ang datos na ito ng Comelec ay simula noong Lunes na unang araw ng filing ng COC hanggang ngayong tanghali.

Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez, mayroon naman 10 mga kandidato na nakapaghain na ng kanilang COC para sa bise presidente.

Habang ang mga naghain ng COC sa pagka-senador ay umabot na sa 45.

Ang nasabing bilang ay madaragdagan pa ngayong maghapon o hanggang sa magtapos ang 3rd day ng COC filing mamayang alas 5:00 ng hapon.

Read more...