1 sundalo at 1 ASG member, patay sa nagpapatuloy na bakbakan sa Sulu

By Mark Makalalad May 14, 2018 - 07:38 PM

Isang sundalo at 1 miyembro ng Abu Sayyaf Group ang kumpirmadong patay sa nagpapatuloy na bakbakan sa Sulu.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, Commander ng Joint Task Force Sulu, magtatanghali kanina, nagsasagawa ng search and rescue operations ang Scout Rangers ng JTF Sulu para sa mga natitirang bihag ng ASG nang makaharap nila ang mga bandido sa Sitio Bud Kaha, Brgy Maligay, Patikul.

Nagresulta ang engkwentro sa pagkakasawi ng 1 sundalo at pagkakasugat ng 5 iba pa sa kanilang hanay.

Habang 1 ASG member naman ang patay at hindi pa madeterminang bilang ang sa kanila’y sugatan.

Narekober naman sa lugar ng bakbakan ng 2 matataas na kalibre ng armas at iba pang kagamitang pandigma.

Matatandaang kahapon, 10 miyembro ng Abu Sayyaf ang patay habang 2 sundalo naman ang nalagas at 12 ang nasugatan sa panig ng militar sa bakbakan din sa Sulu.

TAGS: abu sayyaf group, Sulu, abu sayyaf group, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.