2 jeep, hinarang dahil sa pagbitbit umano ng mga ‘hakot’ sa Cebu City

By Cebu Daily News, Rohanisa Abbas May 14, 2018 - 04:08 PM

Courtesy: Cebu Daily News

Hinarang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawang jeep sa dahil sa paghahakot umano ng mga botante sa Cebu City.

Hinuli ang dalawang jeep partikular sa polling centers sa Cebu City Central School at malapit sa Cebu Normal University.

Ayon kay LTFRB Region 7 Director Ahmed Cuizon, may rutang Oppra-Colon at Urgello-Colon ang dalawang jeep.

Sinabi ni Cuizon na ang pagbyahe ng jeep sakay ang mga pasahero nang wala sa ruta nito ay maaaring indikasyon ng paghahakot ng flying voters ng mga botante.

Ayon sa opisyal, pagmumultahin ang jeepney operators at posibleng suspindehin o kanselahin ang kanilang prangkisa.

 

TAGS: Barangat at Sangguniang Kabataan Elections, Cebu City, flying voters, hakot, ltfrb, Barangat at Sangguniang Kabataan Elections, Cebu City, flying voters, hakot, ltfrb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.