Pangulong Duterte, hindi bumoto sa barangay elections

By Chona Yu, Rohanisa Abbas May 14, 2018 - 03:50 PM

Malacañang FILE

Bigong bumoto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Barangay Elections.

Ito ay base sa impormasyon na ibinigay ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Gayunman, walang inilabas na pahayag ang Malacañang kung ano ang rason ng hindi pagboto ng pangulo.

Una nang naghanda ang Daniel Aguinaldo High School sa Davao City sa inasahang pagdating ni Duterte. Inilabas ng paaralan ang upuan na tinawag na “seat of victory” na ginamit ni Duterte sa eleksyon noong May 2016, kung saan siya nanalo sa pagka-pangulo.

 

TAGS: Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, Davao City, Malacañang, Rodrigo Duterte, Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, Davao City, Malacañang, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.