3 katawan na narekober ng AFP sa Sulu, bineberipika pa kung ISIS
Bineberipika na ngayon ng Armed Forces of the Philippines ang pagkakakilanlan ng tatlong panibagong bangkay na narekober nila sa Sulu.
Sa kauna-unahang press conference ni Armed Forces of the Philippines Chief-of-Staff Gen. Carlito Galvez Jr, kanyang sinabi na sa nagpapatuloy na bakbakan sa Sulu para maligtas ang mga bihag na hawak ng ASG, tatlong katawan ang kanilang natagpuan.
May isang ‘foreign looking terrorist’ daw na bangkay na inaalam pa kung galing sa ISIS.
Samantala, sinabi naman ni Galvez na base sa natatanggap nilang ulat ay buhay pa naman ang dalawang pulis na hawak pa ng ASG.
Kanya ring iginiit na dahil sa patuloy nilang operasyon ay napipilay na ang pwersa ng ASG.
Kahapon, nagkaroon ng bakbakan sa Sulu na tumagal ng 30 minuto at nagresulta sa pagkakasawi ng nasa 10 hindi pa nakikilang ASG members at 2 sundalo.
Sa ngayon, may natitira pang 12 bihag na hawak ang ASG na sinasagip ng AFP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.