Public viewing sa mga labi ni ex-Sen. Edgardo Angara, binuksan na

INQUIRER FILE

Binuksan na ang public viewing sa labi ng namayapang dating senador na si Edgardo Angara.

Kabilang sa mga unang nagtungo sa burol ng dating mambabatas sa Heritage Memorial Park sa Taguig ay si dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Dumalaw na rin sina Senador Loren Legardo at Franklin Drilon, dating House Speaker Jose de Venecia at Budget Secretary Benjamin Diokno.

Itinakda naman ng Senado ang necrological services para kay Angara sa Miyerkules (May 16), habang sa University of the Philippines o UP Diliman sa Quezon City sa Huwebes (May 17).

Ayon sa anak ni Angara na si Senador Sonny Angara, kasama sa mga kumpirmadong maglalahad ng kanilang eulogies ay ang mga dating Pangulo na sina Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo at Manila Mayor Joseph Estrada.

Dadalhin ang labi ng matandang Angara sa Aurora Province sa Sabado (May 19), at sa araw ng Linggo (May 20) ang libing.

Kahapon (May 13), binawian ng buhay si Angara dahil sa heart attack, sa edad na 83-anyos.

 

Read more...