Poll watcher, sugatan sa bugbugan sa poll precinct sa Taguig City
Nagka-tensyon sa Maharlika Elementary School, sa Maharlika Village sa Taguig City sa kasagsagan ng botohan.
Bunsod nito ay pinalabas muna ang mga botante at poll officers mula sa Maharlika Elementary School-Annex, dahil sa gulong nagyari sa isang poll precint.
Batay sa mga saksi, nagkaroon ng bugbugan, kung saan ang isang biktima ang kinilalang si Ybrahim Ismael, isang poll watcher.
Duguan ang mukha ni Ismael, na agad na nilapatan ng lunas sa isang ambulansya.
Ayon sa incumbent barangay chairman na si Baisette Pangandaman, ang dalawang suspek, nakasuot ng puting t-shirt, ay kapwa mula sa kampo ng kanyang kalaban.
Nabatid na ang kalaban ni Pangandaman ay ang mismong pamangkin nito na si Harry Pautin.
Agad naman pinahupa ng mga pulis ang tensyon, at inaresto ang dalawang lalaki.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.