Mahigit 19 bilyong piso, ilalaan ng pamahalaan bilang tugon sa epekto ng El Niño

By Erwin Aguilon October 14, 2015 - 12:06 PM

el-ninoMaglalaan ng P19.2 billion ang pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng El Nino sa bansa ngayong taon na tatagal hanggang sa 2016.

Ayon kay Socio-economic Planning Secretary Arsenio Balisacan hihilingin ng inter-agency El Niño Task Force kay Pangulong Benigno Aquino III na aprubahan ang kanilang budget proposal.

Sinabi ni Balisacan na kakailanganin ng mga implementing agency ang halagang P7.5B ngayong huling bahagi ng 2015 habang ang nalalabing P11.7B ay para sa unang bahagi ng taong 2016.

Kabilang sa mga proyektong isasagawa ng task force ay may kaugnayan sa water demand and supply management bukod pa ang cash for work program na makatutulong sa mga magsasaka na mababawasan ang kita o kaya naman at walang kikitain dahil sa El Niño.

Nauna nang inihayag ng PAGASA na mararamdaman ang matinding impact ng El Niño simula sa buwan ng Disyembre ng kasalukuyang taon hanggang sa Hunyo ng susunod na taon.

Sa ngayon nararanasan ang matinding tagtuyot sa mga lalawigan ng Quirino, Aurora, Quezon, Bohol, Siquijor, Camiguin at Misamis Oriental.

TAGS: ElNinoPhenomenon, ElNinoPhenomenon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.