62 pulis, nagsisilbing BEI ng 2 barangay sa Dasma, Cavite dahil sa kakulangan sa guro

By Rohanisa Abbas May 14, 2018 - 02:50 PM

INQUIRER FILE

Nagsisillbing board of election inspectors (BEI) ang mga pulis sa 31 polling precincts ng mga barangay ng Datu Ismael at H-2 sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng Calabarzon o Region 4-A police, dalawa sa kada tatlong myembro ng BEI sa bawat presinto ang pulis, habang ang nagsisilbing chairman ng BEI ay isang guro.

Ipinahayag ni Eleazar na nagtalaga siya ng 62 na mga pulis sa naturang polling precincts matapos humingi ng tulong ang Commission on Elections (Comelec). Kinulang kasi ang lugar sa mga guro na nag-volunteer na magsilbi sa eleksyon.

Ayon kay Eleazar, bunsod na rin ito ng takot sa pangha-harass. Aniya, may kasaysayan na rin ng karahasan ang lugar.

Samantala, ayon sa Region 4-A police na wala pa silang naitatalang election-related violence. Umaasa si Eleazar na mananatiling matiwasay ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

 

TAGS: Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, Board of Election Inspectors, calabarzon, Guillermo Eleazar, Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, Board of Election Inspectors, calabarzon, Guillermo Eleazar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.