Barangay at SK elections, mapayapa – DepEd

“Generally peaceful” ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon.

Batay sa Department of Education, as of 10AM, ay wala pa silang natatanggap na anumang violence-related incidents mula nang buksan ang botohan sa mga paaralan kaninang alas-7:00 ng umaga.

Patuloy na nakatutok ang Election Task Force Operations and Monitoring Center ng DepEd, hanggang sa matapos ang bilangan ng mga boto at makapag-anunsyo na ng mga nanalong kandidato.

Tumatanggap din sila ng mga reklamo at incident reports, hindi lamang sa mga eskwelahan sa Metro Manila, kundi sa buong bansa.

Inaasahan namang magiging kritikal para sa mga gurong nagsisilbing board of election tellers o BETs ang bilingan ng mga boto.

Ayon kay Atty. Marcelo Bragado ng Deped Election Task Force, kailangang mabantayan ang mga BET lalo’t karaniwan ang mga problema o kaguluhan sa bilangan ng mga boto.

Marapat ding matiyak ang kaligtasan at maiwasan ang anumang uri ng harrassment sa mga guro.

 

Read more...