100 percent na polling precincts sa buong bansa, nakapagbukas ayon sa Comelec

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 14, 2018 - 12:55 PM

Commonwealth QC | Mark Makalalad

Matagumpay na nakapagbukas ang isangdaang porsyento ng mga polling precincts sa buong bansa.

Ayon kay Commission on Elections OIC Al Pareño, nagbukas ang lahat ng 177,574 na polling precincts ngayong 2018 Barangay at SK elections.

Bagaman may ilang lugar na delay ang naging pagbubukas ay natuloy pa rin naman ang botohan.

Samantala, patuloy sa pagtanggap ng reklamo, concerns at katanungan ang Comelec sa kanilang command center.

Ani Pareño, ilang oras bago ang pagsasara ng botohan, umabot sa 6,736 ang naiproseso nilang requests na idinaan sa command center.

Dagsa rin ang tawag sa hotline ng Comelec na 8888.

Mananatiling bukas ang command center ng Comelec hanggang sa kasagsagan ng bilangan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Barangay and SK elections, comelec, elections, Radyo Inquirer, Barangay and SK elections, comelec, elections, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.