Isang botante hinimatay, mahigit 50 ang tumaas ang presyon sa Commonwealth Elementary School
Sa kasagsagan ng tirik ng araw, umabot sa 58 kaso ng mga botante ang naitala ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office na tumaas ang presyon.
Karamihan sa mga nagpa-check up ay mga may edad 30 hanggang 60 na inireklamo ang haba ng pila, init ng panahon at kunsumesyon dulot ng hindi nila makita ang kanilang pangalan sa presinto.
Samantala, isang babae naman ang hinimatay matapos magka-seizure matapos pumila at bumoto.
Nakilala ang babae na si Jonelyn Halago, 31 taong gulang na agad isinugod sa ospital.
Bukod sa kanya, isa rin ang naitala ng QCDRRMO na nahilo at isa naman ang nilalagnat sa gitna ng halalan.
Nabatid na maaga pa lang ang nakapwesto na an na ang medics ng QCDRRMO at nagawa pang makapagpamigay ng 20 kahon ng mga bottled water sa mga botante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.