5 arestado sa paglabag sa liquor ban sa Marikina

By Rohanisa Abbas May 14, 2018 - 12:09 PM

Credit: Marikina City Police

Arestado ang tatlong customer at dalawang empleyado ng restaurant dahil sa paglabag sa liquor ban sa Marikina City.

Ayon sa pulisya, ang mga inaresto ay sina Jay Pangan, Ronald Sevilla at Emmanuel Cabullo.

Nahuli ang mga ito na umiinom ng alak sa isang establisyimyento sa Barangay Concepcion Uno dakong alas-8:50 kagabi.

Nakumpiska sa kanila ang tatlong bote ng beer.

Inaresto rin ng pulisya sina Jason Delovuar at Chona Redocto dahil sa pagbebenta ng alak.

Umiral ang liquor ban simula kahapon na magtatagal hanggang mamayang hatinggabi kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong araw.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: election, liqour ban, Marikina City, election, liqour ban, Marikina City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.