Halaga ng bilihan ng boto tumataas habang patapos ang eleksyon, P3,000 na ang bayaran ayon sa DILG

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 14, 2018 - 11:50 AM

INQUIRER.NET | CENON BIBE JR.

Habang papatapos ang eleksyon ay pataas din ang halagang inilalaan ng mga kandidato sa vote buying.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Department of Interior and Local Government Usec. Martin Diño na kung sa mga nakalipas na araw hanggang kaninang umaga nasa P500 hanggang P1,000 ang bayaran, ngayong kasagsagan na ng eleksyon umabot na sa P3,000 ang bayaran.

Marami rin aniya silang ebidensyang natatanggap sa nagaganap na vote buying sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa isang lugar sa Siquijor mismong ang incumbent na barangay captain ang nakuhanang sangkot sa pagbili ng boto.

Sa Metro Manila naman, ang lahat 17 lungsod ay may naitalang insidente ng vote buying at pananakot base sa mga ulat na nakukuha ng DILG.

Ani Diño napakalaking tulong ng netizens sa pagbibigay ng mga video at larawan sa mga insidente ng vote buying.

Ang mga ebidensya ay isusumite ng DILG sa Commission on Elections para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga sangkot na kandidato.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DILG, Radyo Inquirer, vote buying, DILG, Radyo Inquirer, vote buying

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.