Mga gurong magsisilbing BET sa dalawang lugar sa Maguindanao, nag-walkout

By Rohanisa Abbas May 14, 2018 - 11:27 AM

Umatras ang halos 10 guro sa pagiging board of election tellers sa Barangay Caladturan sa Salipada Pendatun sa Maguindanao.

Ayon kay sa hepe ng Maguindanao police na si Senior Supt. Edwin Wagan, natakot ang mga guro kaya umatras sa tungkulin.

Nagsilbi naman ang mga pulis bilang board of election tellers dahil dito.

Samantala, sa bahagi naman ng Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao, nag-walk out din ang mga gurong magsisilbi bilang BET.

Ito ay matapos ang una nang napaulat na nagkaroon ng insidente ng pagpapaputok ng baril ng mga armadong grupo.

Nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan, pero walang nasugatan sa insidente.

Patuloy naman ang maigting na seguridad ng pulisya at militar sa Maguindanao.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: BETs, comelec, maguindanao, SK Pendatun, BETs, comelec, maguindanao, SK Pendatun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.