Magkakapatid patay sa sunog sa Pasig City

By Erwin Aguilon May 14, 2018 - 11:04 AM

Tatlong magkakapatid ang nasawi sa naganap na sunog sa kanilang bahay sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Princess Joy Navidas, 7 anyos; John Andrew, 4; at BJ Navidas, 2 taon.

Ayon kay Pasig City BFP, naganap ang insidente dakong 6:27 ng umaga sa 117 San Isidro St., Centennial 2, Nagpayong 2, Brgy. Pinagbuhatan.

Nagpapakulo ng tubig ng nanay ng mga biktima subalit lumabas ng bahay upang bumili ng pandesal pero pagbalik ay nasusunog na ang kanilang bahay.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na tumagal hanggang 6:53 ng umaga.

Matapos ang clearing operations ng mga bumbero nakita ang sunog na bangkay ng magkakapatid na halos di na makilala.

Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy sa nasabing sunog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fire incident, Pasig City, Radyo Inquirer, fire incident, Pasig City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.