Daniel R. Aguinaldo National High School handa na sa pagboto ni Pangulong Duterte

Nakahanda na ang Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City sa posibleng pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte para bumoto.

Ilalabas ng paaralan ang upuan na tinawag na “seat of victory” na ginamit ni Duterte sa eleksyon noong May 2016, kung saan siya nanalo sa pagka-pangulo.

Ayon sa punong-guro ng paaralan na si Arlene Bello-Pernes, makasaysayan para sa kanila ang upuan na ginamit ni Duterte. Aniya, inilagay nila ito sa glass mula nang maging pangulo si Duterte.

Sinabi ni Pernes na ilalabas nila muli ang “seat of victory” para gamitin ng pangulo para sa barangay elections.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...