Flyers, bottled water na may mukha ng mga kandidato ipinamahagi sa mga botante

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 14, 2018 - 09:06 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Kahit patuloy na ang botohan, marami pa ring namamahagi ng flyers sa labas ng mga polling precincts na mahigpit na ipinagbabawal ng Commission on Elections (Comelec).

Sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo Maynila, patuloy ang pamamahagi ng mga flyers na naglalaman ng pangalan ng mga kandidato.

Kitang-kita din sa labas ng paaralan ang mga nagkalat na maliliit na papel na ipinamahagi sa mga botante.

Sa Molino Elementary School sa Bacoor Cavite, ang mga dumarating na botante sa paaralaan ay inaabutan din ng flyers na may pangalan ng kandidato.

Inquirer Mindanao | Julie Alipala

Sa Isabela City naman sa Basilan, may mga supporters ng kandidato na namamahagi ng bottled water na may mukha pa ng kandidato.

Ang nasabing mga bottled water na may nakadikit na larawan at pangalan ng kandidato ay ipinamimigay sa mga botante sa Basilan National High School.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bacoor Cavite, Basilan, comelec, Radyo Inquirer, Tondo Manila, Bacoor Cavite, Basilan, comelec, Radyo Inquirer, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.