Matapos magbukas ang botohan, naitalang violent incidents ng PNP umabot na sa 36

Umabot na sa 36 ang bilang ng karahasang naitatala ng Philippine National Police (PNP) sa kasagsagan ng election period o mula noong April 14.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, sa nasabing bilang ay 7 na ang kumpirmadong may kaugnayan sa Barangay at SK elections.

Sa 36 na violent incident ay nakapagtala na ang PNP ng 33 nasawi.

Nasa 28 naman na suspeks sa nasabing mga insidente ng karahasan ang tukoy na ng PNP ang pagkakakilanlan.

Samantala, patuloy na nakatatanggap ng maraming ulat ng insidente ng vote buying ang PNP.

Sinabi ni Albayalde na tnitiyak ng PNP na magiging ligtas at payapa ang eleksyon.

Sa bawat polling precincts aniya ay mayroong 2 pulis na nakatalaga pero sila ay dapat 50 metro ang layo sa botohan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...