Sa panayam, sinabi ni Philippine National Police spokesman Chief Supt. John Bulalacao, na 30 violent incidents na ang naitatala ng PNP simula April 14.
Hindi pa aniya kasama sa listahan ang pananambang noong Sabado kay dating La Union Congressman Eufracion Eriguel kung saan nasawi ito kasama ang dalawang sibilyan maginga ng pananambang kahapon ng umaga kay Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot kung saan nasugatan ang kanyang bodyguard at yaya.
Ayon kay Bulalacao, sa tatlumpung insidente, lima lamang ang kumpirmadong may kaugnayan sa Brgy. at SK elections habang ang dalawampu’t lima pa ay iniimbestigahan pa kung election related ang mga kaso.
Sinabi pa ni Bulalacao na sa 30 violent incidents, siyam ang naitalang sugatan.
Mas mababa ang naitalang kaso ng election-related incidents ngayong 2018 Barangay at SK elections kung ikukumpara noong 2013 elections.
Ayon kay Bulalacao, ang 30 election related violence na naitala na sa ngayon ng PNP ay mas mababa kumpara sa nagdaang barangay elections.
Noong 2013 Barangay at SK elecitons kasi ay umabot sa 57 ang naitalang insidente ng karahasan at 37 dito ang nasawi.
Apela ni Bulalacao sa publiko, huwag mainit ang ulo at mag relaks lamang bukas, araw ng eleksyon.
Layunin aniya ng eleksyon na magbigay ng mandato sa mga kandidato para manilbihan sa barangay at hindi para magpatayan.