Barangay at SK elections kasado na, Comelec wala pang natatanggap na ulat ng election delay saanmang panig ng bansa

By Donabelle Dominguez-Cargullo, Rhommel Balasbas May 14, 2018 - 06:35 AM

Comelec Photo

Tiniyak ng Commission on Elections na handa na ito sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong araw.

Sa press briefing ng Comelec kaninang pasado alas 5:00 ng umaga muling nagpaalala poll body sa mga dapat gawin at ihanda ngayong halalan.

Ayon sa Comelec, hindi required ang ‘voters id’ para makaboto ang mga botante.

Ayon kay Spokesperson James Jimenez, maaari nang tanggapin ng mga Board Election members ang valid ID.

Samantala, nakadeploy na umano ang lahat ng personnel na kakailanganin para sa eleksyon.

Nagpaalala naman si Jimenez na hanggang alas-tres lamang ang botohan at kailangang magpalista ang mga nagnanais makaboto bago mag-alas tres kung sakaling alanganin na ang oras.

Samantala, wala pang natatanggap na ulat ng election delay saanmang panig ng bansa ang Commission on Elections (Comelec).

Nangangahulugan ito ayon kay Jimenez na makapagsisimula on time ang botohan sa mga polling precincts.

Muli namang nagbabala ang Comelec sa mga botante na huwag ibenta ang kanilang boto.

Sa Aklan aniya may naarestong vote buyer matapos ipaalam sa mga otoridad na may insidente doon ng pagbili ng boto.

Pinayuhan ni Jimenez ang publiko na agad isumbong sa local election officer ang mga insidente ng vote buying at ito naman ang agad magre-refer ng usapin sa PNP.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Brgy. & SK elections, Radyo Inquirer, Brgy. & SK elections, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.