Mainit na panahon, inaasahan ngayong araw ng eleksyon

Sasalubong sa mga botante ngayong Barangay at SK elections ang mainit at maalinsangang panahon.

Ayon sa Pagasa, nakakaapekto sa kasalukuyan ang Ridge of High Pressure Area (HPA) sa dulong bahagi ng Hilagang Luzon.

Habang easterlies naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.

Magdudulot ang dalawang weather systems ng maalinsangang panahon maliban sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

Inaasahang pinakamainit sa Tuguegarao City ngayong araw sa 37 degrees Celsius.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...