AFP walang namomonitor na banta para sa halalan ngayong araw

By Rhommel Balasbas May 14, 2018 - 04:31 AM

“More than ready.”

Ito ang tiniyak ng Armed Forces of the Philippines para sa pagsiguro sa seguridad ng publiko sa magaganap na Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong araw.

Sa isang pahayag sinabi ni AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo na matapos ang serye ng mga pagpaplano ay ‘all set’ na ang sandatahang lakas para sa halalan.

Makakatiyak anya ang mga barangay sa maayos, mapayapa at tapat na halalan dahil kasangga ng mga ito ang AFP.

Samantala, sinabi pa ng opisyal na wala silang namomonitor na anumang banta sa seguridad na may koneksyon sa eleksyon.

Iginiit pa ni Arevalo na ang pagbibigay ng seguridad para sa halalang pambaranggay ay hindi makakaapekto sa ilan pang security activities ng AFP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.