Electoral Board Chair maaari nang makaboto

Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na maaari nang makaboto ang chairperson ng Electoral Board.

Sa pamamagitan ng isang Twitter post ay ibinahagi ni Comelec spokesperson James Jimenez ang kopya ng resolusyon na pinapayagan na ang chair ng Electoral Board na makaboto.

Upang maging posible ito ay pansamantalang hahalili ang poll clerk bilang chairperson hanggang sa bumalik ito matapos bumoto.

Ang Electoral Board para sa halalan ay kadalasang binubuo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Read more...