Malacañan walang kinalaman sa paninira umano kay ex-PNoy sa pamamagitan ng Dengvaxia issue

By Inquirer.net, Justinne Punsalang May 14, 2018 - 03:55 AM

Dumistansya ang Palasyo ng Malacañan sa naging pahayag ni dating Pangulong Noynoy Aquino na pawang paninira lamang sa kanya ang kinakaharap na kontrobersiya sa Dengvaxia.

Sa panayam ng Inquirer.net, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nananatiling obhektibo si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa nasabing isyu,

Inulit ni Roque ang naunang pahayag ng punong ehekutibo na bubuo siya ng three-man panel na binubuo ng mga Asyanong eksperto tungkol sa isyu na silang magpapayo sa kanya ng dapat gawin tungkol sa Dengvaxia controversy.

Ani Roque, nangangahulugan ito na walang plano si Pangulong Duterte na manira ng sinuman.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng pangulo, sakali man na mayroong naninira kay Aquino, tiyak siya na hindi ito si Pangulong Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.