Senador Gordon walang galit kay ex-PNoy

Iginiit ni Senador Richard Gordon na wala siyang galit kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ay kasunod ng naging pahayag ni Aquino na sinisiraan lamang siya ng kanyang mga kalaban sa pulitika sa pamamagitan ng Dengvaxia controversy.

Sa panayam ng Inquirer.net kay Gordon tungkol sa naturang pahayag ni Aquino, sinabi nito na hindi siya maituturing na kalaban sa pulitika ng dating pangulo.

Dagdag pa ng senador, ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho.

Read more...