Mga nasunugan sa Parañaque inayudahan ng Malacañan

By Chona Yu May 13, 2018 - 09:02 PM

Binigyan ng ayuda ng Palasyo ng Malacañan ang mga nasunugang residente sa Bahay na Bato sa Barangay Tambo, Paranaque City.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go, namahagi siya ng relief goods, pera, at personal na gamit sa 50 pamilya na nawalan ng tahanan.

Maliban sa pamimigay ng relief goods, nakausap din nang personal ni Go ang pamilya ng 6 na namatay sa nasabing sunog kung saan binigyan ang mga ito ng financial at burial assistance.

Kabilang sa mga nakausap ni Go sina Marlon Amata na nawalan ng asawang si Anna Dona Agrasad, 26 anyos at dalawang anak na sina Jake, 6 anyos at Angelo, 3 anyos; gayundin si Josesel Canaria na nawalan ng asawa at dalawa ding anak na kinilalang sina Jomarie Canaria, 8 anyos at Daniel Canaria, 9 anyos.

Bago ang pagbisita sa Paranaque, dinalaw din ni Go ang mga nasunugan sa Barangay Old Balara, Quezon City kung saan namahagi rin siya ng relief goods at iba pang tulong sa mga nawalan ng tirahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.