5 pulis sa Tacloban sibak sa pwesto matapos matakasan ng tatlong preso

Tacloban CitySinibak sa pwesto ang limang pulis sa Tacloban City Police station, matapos matakasan ng tatlong preso.

Sa isinagawang imbestigasyon, nilagari ng mga preso ang selda kaya nagawa nilang makatakas noong nakaraang Biyernes.

Nakilala ang mga tumakas na bilanggo na sina Rendell Ryan Carbonell, Virgilio Bonaobra, at Mark Anthony Yacat na pinaghahanap pa sa ngayon.

Ang tatlo ay pawang nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa droga at illegal possession of firearms.

Ang limang pulis na naka-duty noong naganap ang pagtakas ay isinasailaim na sa imbestigasyon.

Read more...