Vote buying talamak sa Eastern Visayas

By Inquirer.net, Justinne Punsalang May 13, 2018 - 08:57 PM

Naglalaro mula P20 hanggang P3,000 kada botante ang halaga ng ibinabayad para mabili ang kanilang boto.

Ito ang lumalabas sa mga ulat tungkol sa nagaganap na vote buying sa Eastern Visayas.

Sa isang barangay sa Tacloba City, Leyte, mula P50 ang halaga ng vote-buying para sa barangay kagawad, habang P1,000 naman para sa barangay captain.

Ngunit sa isa pang barangay, mayroon umanong package dead na P1,200 para sa buong barangay slate.

Mas mahal naman ang vote-buying sa Barugo, Leyte kung saan P100 ang para sa kagawad, habang P1,500 sa punong barangay.

Pinakamataas naman ang rates sa Matuguinao, Samar kung saan aabot sa P3,000 ang vote-buying para sa barangay captain.

Mayroon ding mga naitalang vote-buying sa Sogod, Southern Leyte; Biliran; Guiuan, Eastern Samar; at Northern Samar.

Samantala, sa lalawigan naman ng Leyte ay isang kilo ng bigas at mga de lata ang ibinabayad para makakuha ng boto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.