Obispo umapela sa mga kandidato na huwag bumili ng boto

CBCP Photo

Hinimok ni Palo Archbishop John Du ang mga kandidato para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections na huwag bilhin ang boto ng publiko.

Ito ay kasabay ng mga ulat na mayroong nagaganap na vote-buying sa Eastern Visayas.

Hiling ni Archbishop Du sa mga kandidato na panatilihing malinis at tapat ang magaganap na botohan bukas, May 14.

Aniya pa, dapat ay bigyan ng mga tumatakbong opisyal ang publiko na mamili ng kanilang iluluklok sa posisyon.

Kasabay nito ay hinimok rin ni Archbishop Du ang publiko na piliin ang mga dedikado, sinsero, at tapat na mga kandidato para sa barangay at SK.

Read more...