Barangay re-electionist patay sa raid ng pulisya sa kanyang bahay sa Davao City

Napatay ng mga pulis ang isang re-electionist na kapitan ng barangay sa Davao City.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group Region 11, sinalakay ng mga operatiba ang bahay ni Antonio Guatno, kapitan ng Barangay Pangyan.

Isinilbi ng mga pulis ang seach warrant kay Guatno dahil umano sa iligal na mga armas, gaya ng M14 at M16 na armalite rifeles at isang sub-machine gun.

Ayon sa pulisya, tinutukan ni Guatno ang mga pulis na pumasok sa kanyang bahay. Pinaputukan ng mga pulis si Guatno tnasugatan.

Itinakbo pa sa ospital ang kapitan ngunit dead on arrival ito.

Narekober ng CIDG ang isang kalibre .45 na baril at isang 9mm na baril sa kanyang bahay.

Read more...