Pulisya nadiskubreng malayang nakakapagbitbit ng armas ang mga preso sa Pagadian jail

By Rohanisa Abbas May 13, 2018 - 06:47 PM

Sinalakay ng pulisya sa Zamboanga del Sur provinvial jail sa Pagadian City.

Dito nadiskubre ng mga pulis ang mga preso na malayang nakakapagbitbit ng mga armas.

Ayon kay Senior Supt. John Guyguyon, hepe ng Zamboanga del Sur police, 69 na bilanggo sa pasilidad sa Barangay Dao ang nahulihan nila ng armas.

Sinabi ni Guyguyon na mas matataas pa ang kalibre ng armas ng ilang bilanggo kaysa armas ng mga gwardya.

Ilang mga preso din na dapat nasa maximum security detention ang nasa main jail.

Isinagawa ng pulisya ang surprise inspection matapos makatanggap ng mga ulat na palihim na pinapayagan ang mga preso na lumabas ng bilangguan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.