2 kandidato ng UNA, at 2 kandidato ng LP naghain na ng COC

October 14, 2015 - 10:26 AM

UntitledNaghain na ng certificate of candidacy ang dalawang nais maging senador mula sa United Nationalist Alliance (UNA) at dalawang iba pa mula naman sa Liberal Party.

Magkasunod na dumating sa Commission on Elections ang aktres na si Alma Moreno at Princess Jacel Kiram ng Sultanate of Sulu.

Kasama ni Moreno ang anak na si Vandolph at si Wynn Wynn Marquez nang magtungo sa Comelec.

Samantala, naghain na din ng COC si dating party list Rep. Risa Hontiveros na tatakbo sa ilalim ng Liberal Party. Ito na ang ikatlong pagkakataon na sasabak sa senatorial election si Hontiveros.

Sumunod ding naghain ng COC ang isa pang pambato sa pagkasenador ng LP na si Mark Lapid. Sinamahan si Lapid ng kaniyang ama na si Senator Lito Lapid at asawang si Tanya Garcia.

Maliban sa nasabing mga senatoriables mula sa dalawang partido, dumating din sa Comelec si dating Senador Migs Zubiri kasama ang asawang si Audrey.

Muling tatakbong senador si Zubiri bilang isang independent candidate.

Isa pa sa mga naghain ng COC sa pagka-senador ngayong umaga ay si retired general Romeo Maganto sa ilalim ng partidong Lakas CMD.

TAGS: AlmaMoreno, JacelKiram, MarkLapid, Migs Zubiri, Risa Hontiveros, Romeo Maganto, AlmaMoreno, JacelKiram, MarkLapid, Migs Zubiri, Risa Hontiveros, Romeo Maganto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.