Dating Senador Angara pumanaw na sa edad na 83

Pumanaw na si dating Senador Edgardo Angara sa edad na 83.

Inanunsyo ito ng kanyang anak na si Senador Sonny Angara.

Ayon kay Sonny, nasawi ang kanyang ama dahil sa atake sa puso.

Kasabay nito, nanawagan si Sonny ng dasal para sa kanyang ama.

Si Edgardo Angara ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang special envoy to the European Union.

Nagsilbi siya bilang senador mula 1987 hanggang 1998.

 

Read more...