Arestado ang 74 na crew ng limang hulbot-hulbot vessels sa bininidad ng Balud, Jintotolo at Zapatos Islands sa Masbate.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), kasama sa nadakip ang mga kapitan ng naturang mga barkong pangisda.
Nabatid na habang nagsasagawa ng maritime patrol ang mga tauhan ng Masbate Coast Guard Station 3004 ay namataan ang mga naturang hulbot-hulbot vessels habang ilegal na nangingisda gamit ang Danish Seine Method sa naturang mga isla na sakop ng Sibuyan Sea.
Agad na nasakote ang mga naturang iligalista at kinumpiska ang kanilang fishing equipment, scare lines, fish nets, pati na ang mga kapitan ng mga bangka.
Narekober din sa mga ito ang isang kalibre 45 nang magsagawa ng board and search procedure ang mga otoridad.
Ang “Danish Seine” method ng pangisda ay kadalasang ginagamit sa commercial fishing na mahigpit na ipinagbabawal sa Pilipinas, ito’y dahil sa paglabag sa section 92 ng Republic Act 8550 o mas kilala sa “fisheries code of the Philippines” na mahigpit na nagbabawal sa pamamaraan ng pangingisda na nakasisira sa coral reefs, sea grass beds, at iba pang lamang dagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.