Gigibain ng North Korea ang nuclear test site nito sa Punggye-ri ngayong buwan bago ang pakikipagpulong sa United States.
Batay sa state news agency na KCNA, sinabi ng foreign ministry ng North Korea na pasasabugin nila ang mga tunnel at haharangan ang mga daanan nito.
Isasara ang test ground, kabilang ang lahat ng obesrvation facilities at research institutes.
Kaugnay nito, pinuri ni US President Donald Trump ang balitang ito. Sa kanyang tweet, nagpasalamat si Trump sa tinawag niyang matalinong hakbang ng North Korea.
Nakatakdang sirain ng North Korea ang Pyungge-ri nuclear test site nito sa May 23 hanggang 25.
MOST READ
LATEST STORIES