27 katao, naitalang patay sa May 14 polls

By Chona Yu May 13, 2018 - 12:43 PM

Inquirer file photo

Pumalo na sa 27 ang napapatay nang magsimula ang election period noong Abril 14.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesman Chief Supt. John Bulalacao na 25 violent incidents ang naitatala ng PNP simula April 14 hanggang May 11, 10:00 ng gabi.

Hindi pa aniya kasama sa listahan ang pananambang kagabi kay dating La Union congressman Eufracion Eriguel kung saan nasawi ito kasama ang dalawang sibilyan maging ang pananambang Linggo ng umaga kay Daanbantayan, Cebu mayor Vicente Loot kung saan nasugatan ang kanyang bodyguard at yaya.

Ayon kay Bulalacao, sa 25 insidente, lima lamang ang kumpirmadong may kaugnayan sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections habang ang 20 ay iniimbestigahan pa kung election-related ang mga kaso.

Sinabi pa ni Bulalacao nasa 25 na violent incidents, anim ang sugatan habang ligtas naman ang limang iba pa.

Ayon kay Bulalacao, bagama’t nakalaarma ang magkasunod na pananambang kina Loot at Eriguel, mas mababa pa rin ang violent incidents ngayong taon kumpara noong 2013 Brgy. at SK elections.

Paliwanag ni Bulalacao, 57 violent incidents ang naitala noong 2013 kung saan 109 ang naging biktima.

Sa naturang insidente, 33 ang nasawi, 55 ang sugatan at 21 ang unharmed.

Apela ni Bulalacao sa publiko, huwag mainit ang ulo at mag-relaks lamang bukas, araw ng eleksyon.

Layunin aniya ng eleksyon na magbigay ng mandato sa mga kandidato para manilbihan sa barangay at hindi para magpatayan.

TAGS: Election related incidents, May 14 polls, PNP, Election related incidents, May 14 polls, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.