Wooden armchair na gagamitin ni Pang. Duterte sa pagboto, inihahanda na

By Chona Yu May 13, 2018 - 12:11 PM

Inquirer file photo

Inihahanda na ng Daniel E. Aguinaldo High School sa Matina, Talomo Davao city ang wooden armchair na gagamitin sa pagboto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Lunes, May 14.

Ayon kay Arlene Pernes, principal ng naturang eskwelahan, parehong wooden armchair ang gagamitin ng pangulo nang bomoto siya noong 2016 Presidential elections.

Sinabi pa ni Pernes na kukunin muna nila ang wooden armchair sa lalagyan nitong glass encasement.

Mahigpit na seguridad aniya ang ipatutupad bukas sa eskwelahan at magkakaroon ng crowd control.

TAGS: Daniel E. Aguinaldo High School, May 14 polls, Rodrigo Duterte, Daniel E. Aguinaldo High School, May 14 polls, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.