15 patay, 20 sugatan sa engkwentro ng militar at rebeldeng grupo sa Myanmar
Hindi bababa sa 15 katao and patay habang 20 naman ang sugatan, kasama ang ilang sibilyan sa isinagawang pag-atake ng isang ethnic rebel group laban sa militar sa Myanmar.
Sa Facebook, sinabi ni Myanmar government spokesman Zaw Htay na naganap ang tatlong pag-atake ng Ta’ang National Liberation Army sa bayan ng Muse sa Shan state bandang 5:00 ng umaga.
Sumiklab ang dalawang pag-atake sa mga military base habang ang isa naman sa isang tulay.
Nitong mga nakaraang buwan, tumindi ang mga engkwentro sa pagitan ng naturang rebeldeng grupo at militar bunsod ng umano’y pang-aabuso sa mga minority groups.
Dahil dito, lumilikas ang libu-libong residente ng Kachin state.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.