Campaign period para sa May 14 elections, nagtapos na
Pagpatak ng alas-dose ng hating-gabi ay natapos na ang campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na magaganap bukas, araw ng Lunes, May 14.
Puspusan ang naging pangangampanya ng mga kandidato at sinulit ang nalalabing mga oras ng huling araw upang magpakilala sa mga botante.
Bukod sa mga kandidato ay nagsagawa rin ng simulation exercise ang Philippine National Police upang maipakita ang kanilang kahandaan para sa eleksyon.
Dahil Sabado nga ang huling araw ng kampanya, pagpatak ng 12:01 kanina ay bawal na ang active campaigning ayon sa Comelec.
Ito na rin ang hudyat ng pagsisimula ng liquor ban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.