Magnolia wagi laban sa Global Port sa PBA Commissioner’s Cup
Nakamit ng Magnolia Hotshots ang unang pagkapanalo sa umaarangkadang edisyon ng PBA Commissoner’s Cup.
Ito ay matapos talunin ng koponan ang GlobalPort sa iskor na 92-87 sa laban kahapon sa AUF Sports Arena sa Pampanga.
Ito ang pagrekober ng Hotshots matapos ang pagkatalo sa Phoenix.
Bunsod ng pagkapanalo ay bumaba ang win-loss record ng Batang Pier sa 2-2.
Naging mahigpit ang laban hanggang sa pagtulungan ng Hotshots si Stanley Pringle at pakawalan nina Paul Lee at Ian Sangalang ang key shots sa huling bahagi ng laban.
Masaya si Magnolia Coach Chito Victolero dahil ang labang ito umano ang kanilang pagbawi sa talo sa Phoenix.
Anya, magaling ang naging depensa ng kanyang koponan at kinailangan umanong paganahin ang kanilang talas ng isipan dahil sa pisikal na lakas ng GlobalPort sa paglalaro.
Nanguna para sa Hotshots si Sangalang na may 22 points at 8 rebounds habang nanguna naman para sa GlobalPort si Sean Anthony na nagtala ng 20 points.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.