Iraqis, bumoto sa unang parliamentary elections matapos matalo ang ISIS

AFP Photo

Sa unang pagkakataon simula ng ideklara ng gobyerno ang pagkatalo ng ISIS noong nakaraang taon ay muling naipamalas ng mga mamamayan ng Iraq ang kanilang karapatang bumoto.

Naganap ang parliamentary elections kung saan nasa 7,000 kandidato ang nag-aagawan sa 329 na pwesto sa parliament.

Ayon sa Iraq, higit 24 na million Iraqis ang rehistradong botante habang nasa 55,000 polling stations ang nagbukas sa buong bansa para sa eleksyon.

Isang malaking hamon sa susunod na prime minister ang muling pagbangon sa Iraq matapos ang gulong idinulot ng ISIS na nagbunsod sa pagkawatak-watak.

Umaasa naman si Incumbent Prime Minister al-Abadi na muli siyang maihahalal sa pwesto na kanyang hinahawakan mula pa noong 2014.

Samantala, inaasahang aabutin pa ng ilang araw bago maianunsyo ang mga nagwagi sa halalan na nagtapos ganap na alas-sais ng gabi, oras sa Iraq.

Read more...