Incumbent Barangay Chairman, arestado sa operasyon sa Biñan, Laguna
By Rhommel Balasbas May 13, 2018 - 02:57 AM
Nagsagawa ng manhunt operation ang Biñan Police na nagresulta sa pagkakadakip kay Ramon Alora.
Sa bisa ng warrant of arrest na may petsang February 8, 2018 ay inaresto si Alora dahil sa paglabag sa R.A 9261 o Violence Against Women and Children Act.
Naganap ang operasyon sa Barangay San Antonio alas-4 ng hapon ng Sabado.
Si Alora ay kasalukuyang chairman ng Barangay Sto. Domingo at tumatakbong muli sa posisyon para sa magaganap na halalan bukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.