Kumakandidatong barangay chairman sa Masbate, patay sa ambush

Patay ang tumatakbong kapitan ng baranggay sa lalawigan ng Masbate matapos tambangan ng dalawang lalaki sa bayan ng Baleno, hapon ng Sabado.

Ayon sa Baleno Municipal Police Station, pauwi ang biktima na nakilalang si Roberto Morado, kasama ang asawang si Gloria Morado, kapwa residente ng Barangay Gabi nang tambangan sila ng mga suspek bandang alas-kuwatro ng hapon.

Hindi pa nakuntento ang mga suspek sa pamamaril at hinampas pa ng baril si Gloria sa bandang batok.

Matapos ang serye ng krimen ay agad na tumakas ang dalawang lalaki na parang walang nangyari.

Nagtamo ng maraming bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging dahilan upang bawian ito ng buhay.

Tinitingnang anggulo ng pamilya ang pulitika dahil sa pagiging maprinsipyo ni Morado dahilan ng umano’y galit ng nakabangga nitong pulitiko na minsan na ring nagpahayag ng pagbabanta.

Pinabulaanan naman ng incumbent chairman ng Barangay Gabi na si Norma Manlapaz ang mga akusasyong may kinalaman siya sa pagpatay sa kalabang kandidato,

Anya, nasa opisina siya ng Commission on Elections nang maganap ang krimen at iginiit na maayos ang samahan nila ng biktima.

Read more...