Carol Banawa, nagtapos na Summa Cum Laude

By Rhommel Balasbas May 13, 2018 - 02:52 AM

Ilang taon mang nawala sa limelight sa showbiz industry ay matagumpay naman si Carol Banawa sa kanyang napiling propesyon.

Ito ay matapos ianunsyo ng music talent manager na si David Cosico sa Facebook na magtatapos sa kursong nursing si Banawa bilang Summa Cum Laude.

Bagaman hindi ipinakita ni Cosico kung saan magtatapos ang singer ay makikita sa isang Instagram post nito ang mga larawan mula sa kanyang katatapos lamang na Nurse Pinning Ceremony sa Northern Virginia Community College.

Ibinahagi ni Banawa ang kanyang sertipiko bilang isang Summa Cum Laude.

Sa kanyang caption ay mahihinuha ang pasasalamat nito sa Diyos bunsod ng natanggap na parangal.

Bumuhos naman ang pagbati ng kanyang fans sa comment section.

Si Carol Banawa na kasalukuyang naninirahan sa Estados Unidos ay sumikat at naging bahagi ng childhood ng bawat kabataang 90’s sa kanyang mga kantang “Iingatan Ka”, “Bakit ‘Di Totohanin” at iba pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.