Task force, binuo para imbestigahan ang pagpaslang sa isang QC prosecutor
Bumuo ng task force ang Quezon City Police District (QCPD) para imbestigahan ang pagpaslang kay QC Assistant Prosecutor Rogelio Velasco.
Bubuuin ng walong miyembro ang task force na pangungunahan ni QC PD deputy district director for operations SSupt. Ronaldo Genaro Ylagan.
Tinambangan si Velasco ng mga hindi pa nakikilalang suspek habang nakasakay sa kaniyang pulang Toyota Innova kasama ang anak, Biyernes ng hapon.
Ayon kay QCPD director CSupt. Joselito Esquivel, patuloy na inaalam ang motibo ng pamamaril at kung may koneksyon ito sa trabaho ng biktima.
Hiniyakat naman ni Esquivel ang sinumang may impormasyon ukol sa kaso na agad dumulog sa mga otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.