Desisyon ng SC sa pagpapatalsik kay Sereno, dapat irespeto – Sen. Villar

By Angellic Jordan May 12, 2018 - 04:13 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Iginiit ni Senadora Cynthia Villar na dapat irespeto ang naging desisyon ng Supreme Court (SC) na mapatalsik si Maria Lourdes Sereno.

Paliwanag ng senadora, ang SC ang nagbibigay ng linaw tungkol sa batas.

Kung may kwestiyon aniya sa batas, sa SC kinakailangang dumulog kaya’t kailangan na lang aniyang sumunod.

Giit pa nito, may kapangyarihan ng SC na tanggalin si Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

Hindi na rin aniya kinakailangang magsagawa ng impeachment trial sa Senado.

TAGS: Sereno, Sne. Cynthia Villar, Supreme Court, Sereno, Sne. Cynthia Villar, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.